Tiniyak ng Department of Foreign Affairs na walang nasaktan at ligtas ang mga Filipino sa kabila ng mga bakbakan sa Tripoli, Libya.
Ayon kay DFA Spokesperson Ambassador Maria Teresita Daza, patuloy na minomonitor ng Philippine Embassy sa Tripoli ang sitwasyon.
Muling inabisuhan ni Daza ang mga pinoy sa nasabing bansa na iwasan munang lumabas ng bahay o magtungo sa mas ligtas na mga lugar habang nagpapatuloy ang bakbakan.
Dapat din anyang tawagan ang hotline numbers ng embahada para sa agarang tulong kung kailangan.
Umabot na sa mahigit tatlumpu ang patay sa bakbakan sa pagitan ng magkalabang paksyon ng gobyerno sa Libya.
Pinag-a-agawan ng dalawang panig ang control sa oil resources ng naturang bansa.