Pinag-ingat ng Embahada ng Pilipinas sa Libya ang mga Pilipino na nasa gitnang Tripoli at mga karatig na lugar.
Kasunod ito ng girian sa pagitan ng magkalabang grupo na Jamhouria at Zawiya.
Ayon sa Embahada, maaaring makipag-ugnayan ang mga Pilipino sa pamamagitan ng hotline na 0944-541-283 at sa Email tripoli.pe@dfa.gov.ph.
Sa ngayon, wala pang natatanggap na ulat ang Embahada tungkol sa mga Pilipinong nasaktan o nasugatan dahil sa nasabing sagupaan.
Noon pang 2014 nahati sa dalawang grupo ang Libya kung saan ang una ay sumusuporta kay Prime Minister Abdulhamid Dbeibeh at ang ikalawa ay kay Prime Minister Fathy Basha na nangunguna sa rival government.
Tiniyak naman ng Embahada ang pagbabantay sa gulo upang agad makapaghanda ng emergency assistance sa mga Pilipinong nais umuwi sa Pilipinas.