Pinaalalahanan ng Embahada ng Pilipinas sa Washington ang lahat ng mga Pilipino sa Estados Unidos na mahigpit na sundin ang mga ipatutupad na health protocols doon.
Ito ay sa gitna na rin ng patuloy na pagtaas ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa buong Estados Unidos.
Hinihikayat din ng Embahada ang mga Pilipino sa U.S. na maging mapanuri at maingat sa pagbabahagi o paniniwala sa mga hindi beripikadong impormasyon.
Mahigpit lamang anilang sumunod sa guidelines ng Centers for Disease Control and Prevention.
Tiniyak naman ng Philippine Embassy sa Washington, gayundin ng mga consulate generals at iba pang honorary consular offices sa U.S. na kanilang tinututukan ang sitwasyon ng mga Pilipino doon.
Batay sa pinakahuling datos, umaabot sa 3.4-milyon ang bilang ng mga Pilipino sa U.S. habang umaabot naman sa mahigit 300,000 ang mga undocumented.