Pinayuhan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga pilipinong nagtatrabaho sa Ukraine na maging kalmado sa kabila ng sunod-sunod na pananakot at pamomomba ng Russia.
Ayon kay DFA Secretary Teodoro Locsin Jr., nakahanda ang pamahalaan ng Pilipinas para magbigay ng tulong sa mga Overseas Filipino Workers (OFW) na karamihan ay nagtatrabaho sa Kyiv, Ukraine.
Layunin ng pamahalaan na mailigtas ang mga Pinoy sa Ukraine at maiuwi na ng bansa.
Sinabi ni Locsin na nakiusap na sila sa Poland Government na papasukin ang nasa 380 Pinoy sa kanilang bansa mula sa Ukraine kahit walang visa.
Nagpaalala naman ang DFA sa mga Pilipino na nasa Ukraine na makipag-ugnayan sa Philippine Embassy sa Poland o Philippine Consular Team sa Kyiv para madali silang mahanap kung sakaling isagawa ang mandatory evacuation. —sa panulat ni Angelica Doctolero