Pinayuhan ang mga Pilipinong dadalo sa World Youth Day sa Poland na huwag mamalagi sa nasabing bansa nang lampas sa nakasaad sa kanilang Schengen Visa
Ipinabatid ng Philippine Embassy sa Warsaw na pinayagan ang isang holder ng Schengen Visa na pumasok sa teritoryo ng Poland at iba pang Schengen Member States ng hindi lalampas sa 90 araw sa loob ng 180 day period
Sinabi ng embahada na papayagan lamang ang Visa Extension For Humanitarian Reason tulad ng kung nagkasakit ang isang visa holder bago matapos ang 90 day stay nito o Force Majeur o Natural o man made disaster na hindi kontrolado ng visa holder
Pinayuhan din ng Philippine Embassy ang mga Pilipino na i secure ng mabuti ang kanilang passport at bitbitin lamang ang kopya ng kanilang passport Data Page at Schengen Visa kung maglilibot sa Krakow para dumalo sa World Youth Day Activities
Tinatayang 1,500 Pinoy ang makikiisa sa 2016 World Youth Day mula July 25 hanggang 31
By: Judith Larino