Pabata nang pabata ang edad ng mga magsasaka ayon sa Department of Agriculture.
Ayon kay DA Assistant Secretary Arnel de Mesa, 57 years old ang average age noon ng mga Pilipinong magsasaka na ngayon, napalitan ng 49 hanggang 50 years old base sa kanilang registry system.
Matatandaang aktibong hinihikayat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga kabataan na tumulong na pataasin ang pagiging produktibo ng sektor ng agrikultura.
Sa katunayan, inilunsad ng Department of Agriculture ang Young Farmers Challenge na nag-aalok ng financial grant assistance para sa mga kabataang nais sumali sa bagong agri-fishery enterprises. Patuloy ring namimigay ang ahensya ng scholarship para sa mga kursong kaugnay sa agrikultura.
Samantala, iginiit ni de Mesa na hindi bumababa ang bilang ng mga magsasaka ng bigas, mais, niyog, at livestock na tinatayang nasa 12 milyon.