Hindi na umano hinaharass ng mga barko ng China ang mga Pilipinong mangingisda na naglalayag sa bahagi ng Scarborough Shoal.
Ayon kay Professor Rommel Banlaoi, Chairman at Executive Director ng Philippine Institute for Peace, Violence and Terrorism Research, nagkaroon na ngayon ng pagbabago sa pinagaagawang teritoryo sa West Philippine Sea.
Sinabi naman ni Bureau of Fisheries and Aquatic Resources Director Asis Perez na wala na silang naririnig ngayong reklamo mula sa mga mangingisda na malaya na umanong nakakalaot ang mga ito sa nasabing karagatan.
Ayon kay Banlaoi, resulta na marahil ito ng tuloy-tuloy na negosasyon ng ating gobyerno sa bansang China.
Paulit-ulit kasi anyang hinihikayat ng Pilipinas ang China na hayaang mangisda ang mga Pilipino sa Scarborough bilang pagpapatunay na sinsero sila sa kanilang pahayag na payapayang pagresolba sa territorial dispute.
Naniniwala naman si Banlaoi, na maaayos ni incoming president Rodrigo Duterte ang gusot sa relasyon ng Pilipinas at China.
By: Jonathan Andal