Umaasa ang mga Pilipinong mangingisda na papabor sa Pilipinas ang magiging desisyon ng International Tribunal hinggil sa agawan ng teritoryo sa South China Sea.
Ayon sa mangingisdang si Jonathan Almandrez, matagal na silang pumapalaot sa Panatag Shoal.
Ngunit noong 2012, sinakop ng China ang Panatag Shoal at pinagbawalan ang mga Pinoy na mangisda roon.
Bagamat signatory ang China sa UN Convention on the Law of the Sea, una na itong nanindigang babalewalain nito ang anumang desisyon ng Permanent Court of Arbitration hinggil sa isyu ng territorial dispute sa South China Sea.
By: Avee Devierte