Patuloy ang positibong galaw ng labor market ng Pilipinas sa nakalipas na taon sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Noong March 2023, iniulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) na 95.3% ng mga Pilipino ang may trabaho. Nitong March 2024, tumaas ito sa 96.1% o katumbas sa 49.15 milyong indibidwal.
Bumaba din ang unemployment rate nitong March 2024 sa 3.9%, mula 4.7% noong nakaraang taon.
Para kay Pangulong Marcos, mukha ng Bagong Pilipinas ang mga manggagawang Pilipino. Aniya, itinayo ang bansa sa pamamagitan ng kanilang pawis at pagsisikap.
Kasabay sa patuloy na pagtaas ng employment rate sa ilalim ng kanyang administrasyon, tiniyak ng pangulo na patuloy ring aalagaan ng pamahalaan ang mga karapatan at kapakanan ng mga manggagawang Pilipino, sa loob o labas man ng bansa.