Nakiisa at nag-obserba ang mga Pilipinong muslim sa pagsisimula ng buwan ng Ramadan.
Sa Golden Mosque sa Quiapo, Maynila, maagang dumating ang mga muslim para sa pagdarasal na nagsimula pasado alas-kwatro ng umaga kanina.
Nasasabik naman silang magawa ito dahil hindi pinapayagan ang mga muslim na pumunta sa Golden Mosque para sa Ramadan noong 2020 at 2021 bunsod ng COVID-19 pandemic.
Ang Ramadan ang ikasiyam at pinakabanal na buwan sa Islamic Calendar na nanawagan para sa panalangin at pag-aayuno.
Sa nasabing buwan, hindi kakain o iinom ang mga muslim maliban sa mga mayroong problema sa kalusugan at hindi rin magkakaroon ng sexual activity at maninigarilyo.
Magtatapos ang buwan ng Ramadan sa Eid Al-Fitr. – sa panulat ni Airiam Sancho