Nananatili sa maayos na kalagayan ang mga Pilipinong Muslim sa Saudi Arabia kasunod nang pagguho ng crane na kinatatayuan ng moske na pinagsasambahan ng mga kapatid nating Muslim na dumayo pa sa lugar mula sa iba’t ibang bansa.
Ito ang tiniyak ng Department of Foreign Affairs o DFA matapos nitong kumpirmahin na ligtas ang mga Pinoy roon.
Sinabi ni Imelda Panolong, ang Philippine Consul General sa Jeddah na malayo sa pinangyarihan ng aksidente ang mga Pilipinong Muslim na makikiisa sa paggunita ng taunang pilgrimage sa Mecca.
Base kasi sa kanilang tala, halos 8,000 Muslim mula sa Pilipinas ang makikilahok sa seremonya.
Sa kabila nito, sinabi ni Panolong na pinaghahanap pa rin nila ang mga naturang Pinoy upang matugunan sakaling may mga pangangailangan ang mga ito.
Matatandaang nagparating na ng pakikiramay ang Pilipinas sa mga naulilalng pamilya ng mga nadamay sa aksidente.
Una na ring sinabi ng mga otoridad sa Saudi na ang malakas na buhos ng ulan at hangin ang nagpagiba sa nasabing crane.
By Allan Francisco