Pinaboboto pa rin ng Commission on Elections (COMELEC) ang mga botanteng naapektuhan ng kalamidad at gulo sa bansa.
Ito ay matapos lumabas sa datos ng Department of Social Welfare and Development nitong Mayo a-2 na nasa 20K pamilya ang nananatili sa evacuation centers sa Region 5, 6, 7 at 8 dahil sa bagyong Agaton.
Ayon kay Comelec Commissioner George Garcia, dapat magpursigi ang lahat na makaboto dahil karapatan ito ng mga Pilipino.
Pero kung magkakaroon ng problema tulad nang malayo sa evacuation centers ang polling precints, hindi muna o-obligahin ng poll body na bumoto ang mga typhoon victim.
Sa datos ng NDRRMC, nasa 2M indibidwal o katumbas ng higit animnaraang libong pamilya ang naapektuhan ng bagyo sa malaking bahagi ng Visayas at Mindanao.