Dumami ang mga Pilipinong nagtitiwala sa Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police, batay sa survey ng Social Weather Stations.
Sa isinagawang March 30 to April 2, 2016 survey, 75 percent ng 1,500 adult respondents ang may malaking tiwala sa AFP, 9 percent ang may maliit na tiwala habang 16 percent ang undecided.
Umani naman ng ‘very good’ positive 66 net trust rating ang AFP na pinakamataas na marka sa nakalipas na apat na taon o nalampasan ang positive 64 noong Marso 2014.
Samantala, 69 percent naman ng respondents ang may malaking tiwala sa PNP, 14 percent ang may maliit na tiwala habang 16 percent ang undecided.
Umani naman ng ‘very good’ positive 55 net trust rating ang PNP, lampas sa record-high na positive 52 noong Pebrero 2010.
By Drew Nacino
Mga Pilipinong nagtitiwala sa AFP at PNP mas dumami—SWS was last modified: June 25th, 2017 by DWIZ 882