Pinayuhan ng Philippine Medical Association (PMA) ang mga botanteng nakararanas ng sintomas ng COVID-19 na mag-isolate.
Ayon kay Dr. Benito Atienza, presidente ng PMA, mahalagang makontrol ang hawaan lalo’t hindi gaanong nasunod ang health protocols sa pagboto noong Lunes.
Sa kasalukuyan, tanging ang mga pasyenteng naka-admit sa ospital ang sumasailalim sa testing.
Una nang sinabi ng Department of Health na posible ang case surge matapos ang Halalan 2022 dahil sa sabay-sabay na paglabas ng mga tao.