Mas dumami pa ang mga Pilipino na nangungutang noong ber months.
Sa datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas, mula sa 23.4% tumaas sa 23.6% ang mga Pinoy na nangungutang noong October 2024 panahong nalalapit ang kapaskuhan.
Tinatawag na posibleng dept-trap na ang isang indibidwal na sanay ng mangutang tuwing nagigipit dahil sa kakulangan ng income.
Gayunman, iminumungkahi ng BSP sa mga baon sa utang para makaalagwa, una na rito ang “dept stacking” Kung saan unahing bayaran ang may pinakamataas na interes; pangalawa “dept snowball” o pangalawang bayaran ang may pinakamaliit na balance o amount;
Pangatlo, “loan restructuring” o kausapin at hilingan sa bangko o lenders na gawing flexibles at affordable ang pagbabayad ng walang penalty.
Samantala, payo ng Financial Expert maghinay-hinay sa pag-gastos at para maging dept-free ngayong 2025, mag lista ng naaayon sa life style at matutong magstick sa budget at huwag maniwala sa sinasabing “deserve ko’ ito” kapag kumikita ng malaking halaga. “discipline is a must” . - Sa panulat ni Jeraline Doinog