Kinumpirma ng Philippine Consulate General sa hong kong na sangkot sa pagnanakaw sa ang ilang mga turistang Pilipino sa nasabing bansa.
Ayon sa nasabing konsulado, kabilang ang ilang mga Pilipino sa naitalang 12% pagtaas sa mga kaso ng shoplifting sa nakalipas na taon.
Kaugnay nito, ilang mga Pilipinong turista rin ang nabibiktima naman ng pandurukot.
Kaugnay nito, nagpaalala ang Philippine Consulate General sa lahat ng mga pupunta sa hong kong na sumunod sa mga batas ng nasbing bansa.
Sa ilalim ng hong kong theft ordinance, ang pagnanakaw o theft ay may parusang multa at pagkakabilanggo hanggang 10 taon. – Sa panulat ni Kat Gonzales