Makabubuting iwanan na lamang ng mga claimant countries kabilang na ang China at Pilipinas ang mga pinag-aagawang teritoryo sa bahagi ng West Philippine Sea at South China Sea.
Ito ang binigyang diin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang talumpati sa ASEAN Business and Investment Summit sa Solaire Hotel sa Pasay City kahapon.
Ayon sa Pangulo, hindi kakayanin ng mga maliliit lalo na ng mga malalaking bansa na mapunta sa digmaan ang agawan sa teritoryo dahil walang sinuman ang nananalo rito.
Una rito, sinabi ng Pangulo sa kaniyang pagbabalik bansa mula sa Vietnam kahapon ang pagtitiyak sa kaniya ni Chinese President Xi Jinping na hindi nito hahadlangan ang freedom of navigation sa nasabing karagatan.
Maliban sa Pilipinas, kabilang din sa mga bansang umaangkin ng teritoryo sa nasabing karagatan ang Vietnam, Taiwan, Malaysia at Brunei.
—-