Namemeligrong makaranas ng mas matinding gutom ang mga pinaka-mahirap na mamamayan ng mundo.
Ito’y bunsod ng nagbabadyang global shortage ng fertilizer na dahilan din ng patuloy na pagsirit ng presyo ng pagkain.
Ayon sa Yara International, isa sa pinaka-malaking supplier at manufacturer ng agri-products, ang mataas na presyo ng gas ang sanhi ng paglaki ng gastos sa fertilizer.
Ang fertilizer ay nangangailangan ng mas maraming gas sa produksyon nito.
Kabilang sa mga labis na maaapektuhan ang mga developing countries kaya’t maaaring lumiit o humina ang kanilang crop produksyon na magreresulta sa pagtaas ng presyo ng pagkain. —sa panulat ni Drew Nacino