Tatanggap ng isang sakong bigas kada buwan ang mga pinakamahihirap na Pilipino.
Ito ang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang sa kauna-unahang State Of the Nation Address.
Inatasan ng Pangulo si DSWD Secretary Judy Taguiwalo na isama sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4P’s ang libreng isang sako ng bigas para sa mga mahihirap na Pilipino upang mabawasan ang mga nagugutom at mapahusay ang buhay ng mga ito.
Bukod dito, sinabi ng Presidente na magkakaroon ng pagbabago sa pamimigay ng Conditional Cash Transfer Program para turuan ang mga benepisyaryo na maging Independent at matutong maghanapbuhay ng hindi nakadepende sa CCT program.
By Meann Tanbio