Pinayagan ng Bureau of Immigration na mai-waive ang requirements para sa Pitong Indonesian sailor na dinukot at pinalaya kamakailan ng bandidong grupong Abu Sayyaf.
Ayon kay of Immigration Chief Jaime Morente, para sa tinatawag na humanitarian reasons, hindi na aatasan ang mga dayuhan na tumugon sa requirements ng ahensya.
Sa pag-waive ng requirements, maari nang makalabas ng bansa ang mga Indonesian nang hindi nagbabayad ng immigration fees o multa.
Hindi na rin nila kailangang kumuha ng clearances.
Ang pitong dayuhan ay nasa kostodiya ngayon ng Indonesian Embassy.
Una nang hiniling ng Indonesian Embassy sa pamahalaan ng Pilipinas na mai-waive ang immigration requirements sa mga dayuhan para agad silang maibalik sa kanilang bansa.
Ang Pito ay dinukot ng Abu Sayyaf habang sakay ng bangka sa Sulu malapit sa Sabah, Malaysia noong June 20.
By: Avee Devierte