Nagbigay na ng go signal si Pangulong Rodrigo Duterte kay department of interior and local government Secretary Mike Sueño upang simulan na ang pagsasampa ng kaso sa mga lokal na opisyal na pinangalanan nitong sangkot, o kung hindi man, protektor ng iligal na droga.
Sinabi ng Pangulo na kailangang maprotektahan ang kapakanan ng taongbayan kaya dapat nang itodo ang pagpapaigting sa kampanya laban sa iligal na droga.
Batay sa listahang binasa ni Pangulong Duterte noong linggo ng madaling araw, 33 mga alkalde at mga dating alkalde ang umano’y sangkot sa droga.
Kapag napatunayan ang pagkakasangkot ng mga pinangalanang alkalde sa iligal na droga, sinabi ng Presidente na bahala na si Sueño na magpataw ng parusa sa kanila.
Sa 33 alkalde at bise-alkalde na pinangalanan ng Pangulo, walo ang mula sa Liberal party, walo ang mula sa national unity party, lima ang kaalyado ni dating vice president Jejomar Binay, habang dalawa ang mula sa partido ni Pangulong Duterte na PDP laban.
By: Avee Devierte / ( Reporter 23 ) Aileen Taliping
Photo by: PTV 4