Posibleng isalang sa summary eviction ang mga miyembro ng Kadamay na mapapatunayang nagpapa-upa o nagbenta ng mga housing units na kanilang inokupa.
Ayon kay Elsie Trinidad, Spokesperson ng NHA o National Housing Authority, hindi naman sila basta na lamang patatalsikin sa inokupahan nilang bahay dahil mayroon pang proseso na sinusunod dito.
Sinabi ni Trinidad na sa isang libo apat na raan at pitumpu’t anim (1,476) na units na okupado ng Kadamay, natuklasan nilang mahigit animnaraan (600) dito ang pinauupahan na.
Ipinaliwanag ni Trinidad na dapat alalahanin ng mga miyembro ng Kadamay na bukod sa ipinagbabawal ng batas ang pagpapa-upa at pagbenta sa mga housing units wala pa silang legal na karapatan sa mga bahay dahil hindi pa ito pormal na naibibigay sa kanila.
“May mga conditions po kami na pinag-agreehan at isa doon ay huwag na kayong madagdagan, naki-usap po ang aming GM and they should collate their ranks, ibig sabihin hindi pa man pormal na naigagawad sa kanila, tumalima o sumunod tayo sa mga alituntunin na hindi lang alituntunin ng NHA, batas po ito na bawal na bawal, mag-dispose, magbenta o magrenta.” Pahayag ni Trinidad
(Ratsada Balita Interview)