Uubra nang makaboto ang mga pilipino abroad sa Philippine Post (PHLPost) maliban sa kung saan sila naka-rehistro.
Ayon ito kay Comelec Commissioner Marlon Casquejo matapos magpasa ng resolusyon ang Comelec En Banc hinggil dito.
Sinabi ni Casquejo na kinakailangan lamang makapag-parehisto ang mga Pinoy bago matapos ang registration period sa ibang bansa o mga lugar na nasa ilalim ng iba pang post na nagpapatupad ng personal voting.
Maaari ring maghain ng Manifestation of Intent to Vote in Another Post (MIVAP) ang mga overseas voter para mapayagan ang mga itong makibahagi sa May 9 Elections.
Ikinakasa na rin ng Comelec ang Two Way Postage System para sa mga boboto gamit ang postal service.