Karagdagang 15 Pilipino na nasa labas ng bansa ang nagpositibo sa COVID-19.
Dahil dito sumampa na sa 9,725 ang kabuuang kaso ng mga Pilipinong tinamaan ng virus sa ibayong dagat.
Samantala, inihayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) na sumipa na sa 5,760 ang gumaling mula sa COVID-10 matapos na apat sa mga Pilipino COVID patients ang tuluyan nang nakarekober mula sa sakit.
Tumaas naman sa 708 ang bilang ng mga nasawi makaraang madagdagan ito ng limang new fatalities.
Ayon sa DFA, kung ihahambing sa mga nakalipas na datus, bahagyang tumaas ngayon sa 59.23% ang recovery rate ng mga Filipino patients, habang bumaba naman sa 33.49% ang under treatment o patuloy na nilalapatan ng lunas.
Nananatili naman sa 7% ang death toll ng mga Pilipino nasawi dahil sa virus.
As of August 8, mayroon nang 3,257 filipino patients ang patuloy parin ngayong nilalapatan ng kaukulang lunas.