Nadagdagan ng 15 ang mga Pilipino na nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa labas ng bansa dahilan upang umakyat na sa 9,893 ang bilang ng mga ito.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), umakyat na sa 725 ang bilang ng mga nasawi kasunod ng pagpanaw ng tatlo pang kababayan natin sa ibayong dagat.
Samantala, pumalo na sa 5,842 ang total recoveries matapos gumaling ang 19 pang Pinoy abroad.