Umabot na sa 10,116 ang mga Pilipinong dinapuan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa ibang bansa matapos makapagtala ng tatlong bagong kaso ang Department of Foreign Affairs (DFA).
Sa nabanggit na bilang, sumampa na sa 6,284 ang total recoveries kasunod ng paggaling ng siyam pang pasyente
Samantala, umakyat na sa 758 ang death toll matapos pumanaw ang isa pang kababayan natin sa ibayong dagat.