Nakapagtala ng anim na bagong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa mga Pilipinong nasa ibayong dagat.
Sa datos ng Department of Foreign Affairs, lumobo na sa 11,528 ang kabuuang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa mga Pilipino mula sa 82 mga bansa.
Dalawa naman ang naitalang bagong nakarekober sa virus, kaya’t sumirit na ito sa 7,463.
Walong daan tatlongput-isa (831) naman ang kabuuang COVID-19 related deaths sa mga Pilipinong nasa abroad matapos itong madagdagan ng dalawang nasawi dahil sa virus.