Labing lima (15) ang panibagong nadagdag sa bilang ng mga filipino sa ibayong dagat na nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Dahil dito umabot na sa 10, 329 ang kabuuang bilang ng mga Pinoy na nagka-COVID-19 sa ibang bansa.
Batay sa tala ng Department of Foreign Affairs (DFA), 2, 985 ngayon ang kasalukuyang ginagamot pa dahil sa nakahahawang sakit.
Habang 6,751 naman ang gumaling mula sa COVID-19 at 773 na ang nasawi.