Isa pang overseas Filipino ang nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19)
Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) sumampa na sa 13,018 ang bilang ng mga Pinoy na nagpositibo sa COVID-19 sa labas ng bansa.
Wala namang bagong gumaling at nasawi kung kaya 7,497 pa rin ang nakarekober at 934 pumanaw sa nakakahawang sakit.
Samantala, nasa 3,624 pang mga Pinoy abroad ang patuloy na nagpapagaling sa coronavirus. —panulat ni John Jude Alabado
08 January 2021
The DFA reports a lone report confirming one new COVID-19 case among Filipinos in Asia and the Pacific.
The DFA personnel in our Foreign Service Posts remain steadfast in partnering with local health authorities (1/2)@teddyboylocsin pic.twitter.com/oX0dZLV6AG
— DFA Philippines (@DFAPHL) January 8, 2021