Umakyat na sa mahigit 500 ang bilang ng mga Pilipinong nagpositibo sa coronavirus disease (COVID-19) sa abroad.
Batay sa datos na ipinalabas ng Department of Foreign Affairs (DFA), nasa 525 na Pinoy na nasa abroad ang kinapitan ng naturang virus habang 49 ang nasawi dahil dito.
(1/2) #DFAAdvisory: On this Palm Sunday, the DFA recorded a reduced number of new COVID-19 cases among our OFs abroad at 8 cases from the Americas, Europe, Middle East as part of the total of 525 confirmed cases; of which 237 are DOH IHR verified, 1 new recovery, and… pic.twitter.com/1QBVP4LsYf
— DFA Philippines (@DFAPHL) April 5, 2020
Sa naturang bilang, 344 ang patuloy na ginagamot habang 132 naman na ang naka-recover na sa COVID-19.
Naitala naman sa bahagi ng Asia pacific Region ang pinakamaraming COVID-19 Pinoy overseas cases na mayroong 215 na kaso; 183 cases naman ang naitala sa Europe; habang 55 naman ang nagmula sa Middle East.
Dagdag pa rito, mayroon na ring 72 COVID-19 cases na naitala sa America.