Tatlumpu’t apat (34) ang nadagdag na nagpositibong Pilipino sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa ibang bansa.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), hanggang kahapon, ika-1 ng Hunyo, umakyat na sa 5,218 ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Pinoy mula sa 47 bansa at rehiyon.
UPDATE: (As of June 1) Mga Pinoy abroad na tinamaan ng COVID-19, mahigit 5,200 na | via @DFAPHL https://t.co/DWXIeTIQz3
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) June 1, 2020
Sa naturang bilang, 2,709 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.
Labing-anim (16) naman ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling kaya’t nasa 2,167 ang mga Pilipino sa ibang bansa na naka-recover mula sa nasabing sakit, samantalang nasa 342 ang bilang ng mga pumanaw dahil sa naturang virus.
Pinakarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na overseas Pinoy sa bahagi ng Middle East/Africa na may 3,252 kaso; Europa na mayroong 821 confirmed COVID-19 positive cases na overseas Pinoy; Americas na mayroon 656 cases; at Asia Pacific Region na mayroon namang 489 na kaso.