Nadagdagan ng 2,300 ang bilang ng mga Pilipino na tinamaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa ibayong dagat.
31 May 2020
Today’s reports from our Foreign Service Posts across three major geographical regions reveal an increase of more than 2,300 new cases, bringing the total number of COVID-19 infection involving Filipinos abroad to almost 5,200. (1/4) pic.twitter.com/4GXKe5cAdn
— DFA Philippines (@DFAPHL) May 31, 2020
Dahil dito, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), umakyat na sa 5,184 ang kabuuang bilang ng mga nagpositibong Pinoy sa labas ng bansa.
Paliwanag ng DFA, ang pagtaas na ito ay bunsod ng umano’y ‘late reports’ na natanggap ng ahensya mula sa Gitnang Silangan.
Samantala, pumalo na sa 2,151 ang bilang ng mga Pinoy na nakarekober habang nasa 339 ang mga nasawi sa labas ng bansa.