Naitala ang 17 na mga bagong kaso ng COVID-19 sa mga Pilipinong nasa ibayong dagat.
Sa datos na inilabas na datos ng Department of Foreign Affairs (DFA), umabot na sa 14,914 ang kabuuang bilang ng mga dinapuan ng COVID-19 sa iba’t-ibang mga bansa.
Sa naturang bilang, 4,496 sa mga ito ang patuloy pang nagpapagaling sa mga pagamutan.
Lumobo naman ang bilang ng mga nakarekober sa virus na nasa 9,400 na matapos na maitala ang 21 mga bagong gumaling sa COVID-19.
Sa kaparehong datos, nanatiling namang nasa 1,018 na mga Pilipinong nasa ibayong dagat ang nasawi dahil sa virus.