Nagpatupad ng temporary moratorium ang Pilipinas laban sa paglahok ng mga Filipino nationals sa United States Exchange Visitor Program (EVP) dahil pa rin sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Sa ilalim ng programa, nakakapunta ang mga dayuhan sa Amerika para mag-aral, mag-research, magpakita ng kanilang special skills o kaya’y tumanggap ng job training sa loob ng ilang taon.
Ayon naman sa advisory ng Philippine Exchange Visitor Program (EVP) Committee, binanggit na tatagal ng anim hanggang isang taon moratorium at apektibo noong May 25, 2020.
Dahil dito, bilang EVP Committee Secretariat, pansamantalang ititigil muna ng Commission on Filipinos Overseas ang registration ng mga Pinoy na nais sumali sa EVP.