Hindi muna uubrang tumuntong ng China ang mga Pilipinong mayroong valid na visa at residents permits dahil sa banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon ito sa Chinese government, bagamat exempted sa temporary entry ban ang mga Pilipinong may hawak na diplomatic, service, courtesy and crew visas.
Ang mga non-Chinese nationals na nasa Pilipinas na naisyuhan ng visa pagkalipas ng ika-3 ng Nobyembre ay hindi rin apektado.