Mas mabilis tumaas ang kinakailangang gastos ng mga Pilipino kumpara sa kanilang average return on investment o pagbalik ng ipinasok nilang pera sa negosyo.
Batay ito sa report ng isang Canadian insurance company na pinamagatang One Step Forward, Half a Step Back: Meeting Financial Goals in Asia, kung saan nakitang doble ang inilalabas ng mga Pinoy kaysa sa kanilang nakukuha.
Nakasaad din sa report na ang cost ng pagreretiro, edukasyon, living expenses, at healthcare ay tumaas ng average 8.1 percent kada taon sa loob ng limang taon at 4.6 percent lang ang average returns sa nabanggit na panahon.
Sinasabi namang resulta ito ng hawak ng investors na high level of cash sa kanilang portfolio.
Samantala, inirekomenda ng nasabing kumpanya ang asset diversification o pag-invest sa iba’t ibang bagay upang makita kung saan mas makikinabang at para merong financial safeguards sakaling malugi ang isa sa mga investment.
By Judith Larino | Kevyn Reyes