Hinarang ng Chinese Coastguard ang mga Pinoy Fishermen na tutungo sa Panatag Shoal
Ayon sa report, hindi lamang pinagbawalang huwag tumuloy sa Panatag Shoal ang apat na bangkang pangisda ng mga Pilipino kundi nilapitan pa sila ng coastguard ng China at pinutol pa ang anchor o tali ng kanilang mga bangka
Napaulat din ang banta ng Chinese coastguard na bubutasan ang isang bangka ng mga Pinoy fishermen
Kasabay nito, kinumpirma ng isa sa kapitan sa lugar ang lumalaking presensya ng Chinese vessels sa Bajo de Masinloc
By: Judith Larino