Nakababahala ang bilang ng mga Filipino health workers na namamatay dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ito ang inihayag ng World Health Organization (WHO) kumpara umano sa iba pang bansag apektado ng COVID-19 sa Western Pacific Region.
Ayon kay Dr. Abdi Mahamud, WHO-Western Pacific Region COVID-19 Incident Manager, mataas ng apat na beses ang bilang ng mga nasasawing medical workers dahil sa COVID-19 sa Pilipinas.
Aniya, mayroon lamang kabuuang 2% hanggang 3% ang bilang ng nasasawing medical workers sa South Korea, Australia at Japan.
Magugunitang sinabi ng Department of Health (DOH) na mas mataas pa ang bilang ng medical workers na tinamaan ng COVID-19 sa bansa kumpara sa China.
Mayroong 1,062 na Pinoy health workers ang infected ng sakit kung saan 12% ito ng kabuuang bilang ng kaso habang sa China ay mayroon lamang 4%.