Pinagtitipid ng grupong Federation of Free Farmers Cooperative (FFFC) ang mga Pinoy sa pagkain ng kanin sa harap ng patuloy na pagtaas ng presyo ng bigas at numinipis na supply nito.
Ito ang nakikitang paraan ni F.F.F.C. Chairman at dating Agriculture Secretary Leonardo Montemayor upang makatipid ang mga Pinoy.
Magugunitang inihayag ng Philippine Rice Research institute na aabot sa 7.2 billion pesos ang halaga ng nasasayang na kanin ng mga Pilipino kada taon.
Pinayuhan din ni Montemayor ang publiko na hangga’t kaya ay bawasan ang pagkonsumo ng “extra-rice” pero aminado siyang maaaring mahirapan tayong mga Pinoy mag-adjust dahil kanin ang ating pangunahing pagkain.