Nasa mahigit 40 milyon ang kwalipikadong Pinoy ang hindi pa nakakakuha ng kanilang booster shot laban sa COVID-19.
Ayon sa Department of Health (DOH), nasa 13.7 milyon lamang sa 54.4 milyong indibidwal na dapat kumuha ng booster doses ang nabakunahan.
Matatandaang, nagbabala ang DOH na maaaring masaksihan ng Pilipinas ang pagsirit ng kaso sa kalagitnaan ng taon dahil sa mababang vaccination rate.
Pinaalalahanan din ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire ang publiko na humihina ang immunity ng bakuna pagkatapos ng ilang buwan at kailangan ng booster shot para mapanatili ang proteksyon nito sa katawan.