Iikot sa mga isyung may kinalaman sa krisis sa Marawi City, muling pagiging aktibo ng illegal na droga at ang plano sa loob ng 5 taon ang magiging laman ng talumpati ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang ikalawang State of the Nation Address.
Sinabi sa DWIZ ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar na mula sa 35 pahina ay naging 50 pahina ang SONA speech ng Presidente.
Wala aniyang video presentation subalit habang nagtatalumpati ang Presidente ay may mga visuals na ipapakita sa TV monitor.
Sinabi pa ni Secretary Andanar na handang handa na ang lahat ng preparasyon at hinimok ang publiko na manood at pakinggan bukas ang magiging mensahe ng Presidente para alam ng sambayanan kung ano ang mga plano nito para sa mga Pilipino.
By: Aileen Taliping
Mga Pinoy hinimok na pakinggan ang SONA ng Pangulo bukas was last modified: July 23rd, 2017 by DWIZ 882