Halos kalahati sa mga Pilipino ang kuntento sa pagtugon ng Duterte administration sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Batay sa resulta ng isinagawang survey ng Blackbox Research firm at Toluna media company, nakakuha ng 49% satisfaction rating ang gobyerno.
Sinasabing sinukat ito sa pamamagitan ng apat na mahahalagang performance indicators na kinabibilangan ng national political leadership, corporate leadership, community, at media.
Napag-alaman din na mas mataas ang nasungkit na rating ng Pilipinas kumpara sa mga kalapit na bansa sa Timog Silangang Asya tulad ng Indonesia (48 %), Singapore (48 %), at Thailand (36 %).
Samantala, nakuha naman ng China ang pinakamataas na satisfaction rating na 8%, sinundan ng Vietnam na nakakuha ng 77%, at India na nasa 59%.