Karamihan ng mga Pilipino ay hindi gaanong masaya sa pagtugon ng pamahalaan sa inflation at kahirapan.
Batay sa survey na isinagawa ng OCTA Research, 14% lang ang kumbinsido sa hakbang ng gobyerno sa pagkontrol sa presyo ng pangunahing produkto at pagpigil sa inflation.
Umabot lang naman sa 29% ang kontento sa ginagawa ng pamahalaan upang mapababa ang kahirapan, habang 34% lang ang nagsabing ayos lang ang aksyon nila sa kagutuman.
43% naman ng mga Pilipino ang sang-ayon sa performance ng gobyerno sa paglaban kontra graft and corruption, 45% sa pagbabawas sa tax, at 46% sa pagkontrol ng populasyon.
Nasa 47% ang pabor sa ginagawa ng pamahalaan para sa pagpigil sa paglaganap ng illegal drugs, at 48% sa pagsiguro sa pagkakaroon ng murang pagkain. - sa panulat ni Charles Laureta