Ligtas ang mga Pilipino sa New Zealand kasunod ng pagtama ng magnitude 8.1 na lindol sa nasabing bansa.
Ayon kay Ambassador Gary Domingo, walang apektadong Pinoy doon ngunit kinailangang ilikas ang ilan sa mga kababayan natin sa Bay of Islands, Matata, at Great Barrier Island patungo sa ligtas na lugar.
Nanawagan naman si Domingo sa Filipino communities sa New Zealand na magpatala sa embahada para sa mas mabilis na komunikasyon.