Ligtas ang mga Pilipino sa California sa harap ng nararanasang wild fire doon.
Ito ang tiniyak ni Philippine envoy to US Ambassador Jose Manuel Romualdez sa gitna ng pagpapalikas sa mga residente ng California.
Sa kabila nito, naglunsad na sila ng isang hotline para sa mga concern ng ating kababayan doon.
Batay sa tala, nasa dalawampu’t limang libong (25,000) Pilipino ang naninirahan sa ilang bahagi ng California.
Kabilang sa mga apektado ang Ventura, San Bernardino, Bel – Air Counties at San Fernando Valley.
Umabot na din sa Los Angeles City ang sunog habang daan – daang kabahayan na ang nasusunog.
Suspendido na din ang mga klase sa mahigit 260 paaralan sa Southern California.