Uubra nang makapagbiyahe at magtrabaho sa abroad ang mga Pilipino.
Kasunod rin ito, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), ng pagtatapos ng lockdown na pinairal sa iba’t ibang bansa dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon sa DFA, 26 na bansa na kabilang ang Amerika, Japan, Malaysia at Singapore ang tumatanggap at nagpapapasok sa mga Filipino worker.
Samantala, tanging ang mga Pinoy lamang na may trabaho at residency visa ang pinapayagan naman ng Hong Kong na makapasok sa kanilang bansa.