Mayorya ng mga Pinoy ang naniniwalang wala nang pangangailangan para palawigin pa ang batas militar sa Mindanao.
Batay sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations o SWS, lumalabas na anim (6) sa bawat sampung (10) Pinoy o katumbas ng animnapu’t dalawang porsyento (62%) ng mga Pinoy ang tutol sa martial law extension.
Dalawangpu’t anim (26) lamang ang pabor habang labindalawang porsyento (12%) ang undecided sa pinalawig na batas militar.
Pinakamataas na pagtutol sa martial law extension ay nagmula sa Metro Manila na nasa animnapu’t pitong porsyento (67%) na sinundan ng Luzon na may animnapu’t tatlong porsyento (63%) habang ang mga mismong taga – Mindanao na apektado ng martial law ay nasa animnapu’t dalawang porsyento (62%) ang tutol.
Maliban dito, animnapu’t anim na porsyento (66%) rin ng mga Pinoy ang naniniwalang kakayaning talunin ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang Maute terrorist group at Abu Sayyaf Group (ASG) kahit walang idinedeklarang martial law sa Mindanao.
Ang naturang survey ay isinagawa mula Disyembre 8 hanggang 16.