Mas malaki ang ginagastos ng mga Pilipino sa mga pangangailangan sa hygiene at self-care tuwing may kalamidad.
Ito ay batay sa pag-aaral ng Packworks, isang enterprise resource planning platform sa halos 200,000 sari-sari stores sa buong bansa.
Lumalabas sa datos na maraming pinoy ang bumili ng shampoo at conditioner sa mga sari-sari store kasunod ng mga nagdaang kalamidad tulad ng pananalasa ng Bagyong Odette noong December 2021, pagputok ng Bulkang Taal nitong Marso at pagyanig ng magnitude 7 na lindol sa Abra noong Hunyo.
Bukod dito, 18% ng mga kinikita ng mga sari-sari stores ay mula sa hair care products habang 16% ang mga gamit sa panlaba.
Mas pinipili naman ng mga Pilipino ang bumili ng immediate necessities sa malapit na tindahan kaysa magtungo sa mga malalaking supermarkets.