Nakauwi na sa bansa ang nasa mahigit 100 Pilipino na mula sa Amsterdam, Netherlands .
Sinalubong ng mga tauhan ng Department of Foreign Affairs Office of the Undersecretary for Migrant Workers Affairs (OUMWA) ang repatriated Filipino na karamihan sa mga ito ay seafarers.
Nakasakay ang mga nasabing Pinoy sa pamamagitan ng Smartlynx Estonia Flight MYX 8480, isang OSM Maritime Group-Chartered Flight.
Nagpasalamat si OUMWA undersecretary Sarah Lou Arriola sa One-Stop Shop for the management of returning overseas Filipinos (OSS) na tumulong sa kanila para makabalik sa bansa.
Samantala, inaasahan namang isasailalim ang mga pasahero sa quarantine protocols na itinakda ng Inter-Agency Task Force o IATF.