Nanatiling matatag ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na naapektuhan ng giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Ayon sa Pinay na si Shiela Santosildes, 9 na taon siyang nagtrabaho bilang isang english teacher sa Ukraine kaya’t hindi niya inakala na sa isang iglap ay magbabago ang estado ng kaniyang pamumuhay.
Sinabi ni Santosildes na mananatili silang matatag para makapagsimulang muli matapos ang ginawang pananakop ng Russia.
Samantala, malaki naman ang pasasalamat ni Joy Tolentino sa pamahalaan sa ginawang pagtulong para sila ay makalikas.
Ayon kay Tolentino, hindi na nila maririnig ang ingay ng sirena ng mga putukan at makakatulog na sila ng mahimbing ng walang pangamba para sa kanilang kaligtasan.
Ayon sa mga Pinoy OFWs, makikipagsapalaran parin sila at hindi susuko para sa kanilang mga pamilya na nasa Pilipinas. — sa panulat ni Angelica Doctolero